<$BlogRSDUrl$>

Sunday, November 30, 2003

Still wide awake... 

nakita na namin ni mikey sina sir lasap at ms. panaligan nung tuesday.... uber buking na ako kay ms. panaligan... aargh!!! Owel, mahal naman namin siya ni pat eh kaya i guess okay lang... arrgh!!! buking pa rin ako eh!

anyway, i'm blogging to say that I won't be seeing you guys much too often during the break... magiging busy na kasi ako sa Young Economists Convention... ARRGH!! miss ko na talaga kayong lahat! Kaya kung magkakaroon ng party sabihan niyo ako agad para ma-cancel lahat ng appointments ko for that day... ikakansel ko siya kahit si guingona pa kausap ko!

Joe> Ininterview namin si Villanueva para sa FILIPI1 namin... kung ikaw nanliitn ako naduwende ¤Ü¤

Saul>sorry kung hindi ako nakareply... gustuhin ko man sumama pero may biglaang priority e... haay... so kamusta? sino pinanood niyo? sinu-sino kayo? anyway, pakisabi kay migo na ang itinext niyang number ay yung luma ko at sorry din kamo di ako nagreply...

Jonat> dun sa pinagusapan natin... itetext ko na lang sayo yung detalye pag na sa akin na...

Saturday, November 29, 2003

mga request ko lang sa mga pagplano ng christmas party:

huwag dec 18 - christmas party ng ccc, sa umaga may pinaplanong gawad kalinga house building sa payatas tapos pupunta sa headquarters sa quezon city para magparty mismo, sama kayo!

huwag din dec 20 - party kasi ng blockmate ko =)

Thursday, November 27, 2003

nakita ko nga pala si sir lasap saka si miss panaligan sa town tonight, wala lang, ginulat ko lang sila tapos nangamusta, punta raw kayo zobel para mangamusta at magkuwento at magupdate at bumisita lang, miss na yata tayong lahat, hehe =)

sa sabado may gig si kitchie sa rock radio cafe, 150 entrance with 1 drink, punta tayo? pero mangagaling ako sa dlsu, sa hapon kasi ng araw na yun may lecture prof ko sa pnprs

rachelle> hindi ko rin alam kung bakit ganon kaso wala talagang available

psst 

saul>bakit ganoon?
haay... miss ko na kayo...

Wednesday, November 26, 2003

rachelle> wala eh, walang available

Tuesday, November 25, 2003

sauly> ayos ka na? PAno tayo bukas? Anong arrangements natin?? about ateneo... gusto ko pa rin maging accountant eh... testimonial ko???

jonat> baliw ka talaga!!! 30 hours na walang ligo?? buti natiis ka nung cute girl na yun! about the ccg... sige bigyan kita pic pag nagkita tayo.... wag kang pupunta ng g3 ng amats ah!!! baliw!!! ayaw mo ata akong manood ng gig mo ah!!

mon> you're so lucky to be in ateneo!!! haay!!! cute talaga niya (CHRIS TIU)! pet his head for me! hay! pwede ba siyang maging crush?? wehehehe

kris> go girl!!! paano tutuloy ka na ba ng UP??

chami> san ka na?? haven't heard from you lately...

Monday, November 24, 2003

text niyo ako kung paano tayo bukas sa paolo santos

si meng may pottery exhibit, "sayaw" opening cocktails dec5 6pm ayala museum glorietta 2 level 3

lbm sucks, pero ok ok na ako, makakapasok na ako bukas

efG

jonat> haha, tigang ka nga, at alcoholic...medyo mahina na alochol trip ko, vodka cruiser na lang, haha

atenistas> hanapin niyo yung ccc sa school niyo, most likely hindi pa accredited pero worth joining, at least yun yung experience ko sa dlsu

Sunday, November 23, 2003

jonat> mamaya ko na lang babasahin yung sinulat mo, haba kasi, nagmamadali ako

mon> i'll get you one later

rachelle> tama si arun, mababaw sila

lahat> paalala lang, paolo santos, sa 25 food choices greenbelt3 7pm

Saturday, November 22, 2003

whattaweek.  

whattaweek talaga.

alam nyo ba? inakyat ko mt. banahaw kahapon. hahaha ang saya saya!!

alam nyo ano pa? lasing ako nung sinimulan ko yung akyat. hahahaha.

ganito kasi yan. may party ang aking sobrang astig na org - ang MEA sa tapika thursday night. syempre na-whappak ako. hahaha. tumugtog nun 17:28. sa laking gulat ko, tinugtog nila mga kantang puwedeng sayawin. ayos! eh di siyempre nagwild na naman ako. (whappak eh). natapos yung party mga 1:30. akala ko 7:30 am pa yung simula ng ACP ko the next day.. kaya pumunta ako sa after party sa valle 2.. syempre lalo pa akong na-whappak nun! umalis nako dun ng 4:30 ng umaga. pagdating ko sa condo, wala na dun roommate ko na kasama ko rin dapat sa banahaw. yun pala nandun na sa bell (meeting place para sa ACP). tumakbo akong bell mula condo na kalahating lasing pa rin, d pa nakakaligo at nagpalit lng ng t-shirt/shorts/slippers. dala-dala ko ang aking pamalit sa loob ng isang plastic na supot hahaha. pinagtawanan ako ng mga kasama ko dahil:
1. may amats pa ako at amoy na amoy ang beer, gin, at yosi.
2. naka-tsinelas ako (FYI, aakyat kami ng bundok)
3. wala akong dalang baong lunch (hanggang 9 pm ng gabi yn!)
4. wala rin akong bag
5. mukha akong gago (nakatawa pa rin ako dahil lasing ako)

anyways, ayun nakatulog ako sa bus. b4 i knew it nasa quezon na kmi.
boring na yung next few hours.. pero astig ang mt. banahaw!! grabe. surreal kumbaga. puro chicks pa kasama namin. hahahah yeah baby.

anyway, there was this one girl na kamukha ni aubrey miles. sobra. hahaha. so syempre napatitig ako diba?? kaso may boyfriend eh. oh wel. anyways, may isang bahagi na naka-kandila lang kami tapos nasa subterrenean river kami.. pinapatay yung kandila tpos lahat kami pinahawak ng kamay para mag-invoke ng 'spirit'. katabi ko yung girl!! hehehehe. after a while, bumitaw cya sandali.. kala ko nailang. tpos mamaya maya hinawakan niya kamay ko na naka-interlock na yung mga daliri. hahaha ambabaw, pero shet kinilig ako nun hahahaha. ang tigang ko na!!! grabe. tpos d niya binitawan yung kamay ko after the activity :) tsaka after nun nagpapahawak siya ng kamay kung paakyat ng mahihirap na parts. haha yehey. kaso may boyfriend eh. oh wel.

ayun. bagsak ako pagtulog ko. pero masaya. 30 hours akong walang ligo nun haha.

kanina naman, pumunta ako sa meeting na sinabi sakin ng friend ko. coregroup na pala ako ng isang student org - SOULS. astig hahaha. libre ako sa 5 days sa subic sa summer for a seminar na kung saan ako ang co-head ng programs department. apply kayo dun ah. kasama dun mga UAAP and NCAA schools. ok yan!

ano pa ba? i ate dinner out last tuesday with the girl i like! hehehe angsaya. tawa lang kami ng tawa.

tpos the next day, naglakad kami sa ulan na kumakain ng ice cream tpos hawak hawak ko yung payong. kilig. hahahaha.

rachelle> malabo pa rin. baka sa ME batch party namin. kaso batch lng ata namin invited dun eh. sorry :) penge pic nung CCG!!! :)

mon> i'm going to lend u the book the next time i bump into you in school.

anyways. wala lang. masaya ang 2nd sem!

jonat!pogi!

Friday, November 21, 2003

rachelle > tangna ambabaw naman ng blockmates mo.
everyone else > sorry di ako nagpaparamdam dito. i assumed that you all read my personal blog anyway so...

sige ingat.ü

GARRR!! 

Masay pala maging alumni... wehehe... ala lang kanina kasi nasa zobel ako nakikigulo kasama sa mga kabataan doon... kakulitan... kahit papaano eh medyo na-ewan ako kasi ngayon ko lang ulit narinig ang katagang 'ate rach' o dili kaya'y 'ate rachelle'... hay, matanda na talaga ako... owel, masaya naman sila kasama at naaliw naman magbaby-sit sa mga grade 4 eh...

Now for the garr! news... nakakatawa pala ang rason kung bakit ganito kami ng barkado ko sa block... mas mahal ko daw kasi talaga kayo. HALLER!!! what the??? kakaloka... ano ba gusto nilang gawin ko eh ganun talaga eh.. tapos ang resbak sa akin eh tatanggalin nila ako sa friendster list nila... kaya pala nabawasan friends ko... kababawang lubos... asar talaga eh..

Wednesday, November 19, 2003

invitations for everyone...kaso sa dlsu yung happenings 

thursday: may concert in relation to christ week, 6pm-9pm, magpeperform sina dj mike from akafellas, barbie's cradle and another band

friday: ccc prayer meeting/purpose driven life discussions, 1pm-230pm and 4pm-6pm ata

basta kung pupunta kayo, sabihan niyo lang ako

invitations for everyone...kaso sa dlsu yung happenings 

thursday: may concert in relation to christ week, 6pm-9pm, magpeperform sina dj mike from akafellas, barbie's cradle and another band

friday: ccc prayer meeting/purpose driven life discussions, 1pm-230pm and 4pm-6pm ata

basta kung pupunta kayo, sabihan niyo lang ako

Tuesday, November 18, 2003

sa mga lasalista> alam kong hindi naman kayo nakukulitan sa akin pero basta kapag gusto niyong pumunta sa ccc, sabihin niyo lang sa akin, ok?

sa lahat> punta tayong bazaar sa weekend, wala lang...paumanhin sa mga hindi ko pa nagagawan ng testimonyal, kailangan na maayso ang utak ko kapag magsusulat ako ng testimonyal eh...meron ba kayong kopya ng inaugural speech ni fvr? o alam niyo ba kung saan meron?

arun> buhay ka pa riyan?

bau> nasaan ka na? nasaan ka na? (gumagaya lang sa inyong dalawa ni arun)

charisma mei refani madamba> may sira ba ang iyong yahoo messenger?

rachelle> so lilipat ka ba at hindi magiging accountant o mananatili sa kursong para sa iyo?

hi there!! 

saul>> you get my u-break next week
mon>> thanks uber for the effort and everything but Pat already made the necessary inquiries... we were considering economics honors as one of my options... anyway, sabi nga ng dalawang kaibigan natin subukan ko muna daw magpa-deblock... hay... neweiz, si CHRIS TIU??? Uber swerte mo naman!!! haay... grabe! Eye candy to the max!!! Ang cute niya!!! =p
cham>> haven't heard from you girl!!!
kris, jonat, andrew, mikey, nikki, arun, joe>>> pSST!!!!
Lacorp>> Gawa nyo akong testimonial!!! =p

= mga lasalista = alam kong sobra na ang kakulitan ko sa mga pagimbita sa inyo pero kung puwede kayo sa ubreak at fridays ng 1-230, sama kayo sa ccc (campus crusade for christ), ok to para sa inyo, sigurado ako.

= mon = what flip thing? acoustapella? eh, i was in maxim's mini concert in gb3, dapat nga asa acoustapella ako o sa debut ni ana, galit pa nga ata sa akin yung babaeng yun eh, testimonyal? kapag maayos utak ko para mahaba, wala kasing edit option yung testimonyal eh

Friday, November 14, 2003

Blip 

Okay lang yun Kris...

Uyst... puntahan nyo itong site na ito...
http://www.photos.ph/sparrow
Yung iba to follow na lang... medyo busy me eh... hirap na talaga pag may pasok na ang ateneo... wehehehe

Thursday, November 13, 2003

Bleep 

Saul: So it wasn't a lecture... sorry po... sa susunod na anyayahan mo ako ay sasama na ako...

lacorpers!!!! Labas tayo ng 26!!! please!!! (looks pleadingly with sad puppy eyes)

Wednesday, November 12, 2003

= rachelle = it wasn't a lecture, i actually enjoyed it, parang modules ng purpose driven na for groups, you should join me sometime

= la salle chapter = the invitation is extended to everyone who is available during ubreak and fridays, 1-230...yung ubreak yung parang modules, kapag fridays prayer meetings

= ateneo chapter = ey, sabi nga ni rachelle, kapag wala kayong pasok, labas tayo sa 26! end of ramadan yun

= joseph = anong friendster name ni marge? (nikkinikkinikki, dein si marge ateneo, likas lang talaga na magaganda yung mga nakikilala kong marge =) ...oh wait, nahanap ko na! margarita gutierrez! d.y.f.! =)

= maki zo = salamat uli sa cds!! =)

= mon = huyst!, la lang

= jonat = huyst! din

= bau = oist!, la lang

= kris-y = hey!, la lang

Bloop! 

Ala lang... nababagot lamang ako... kanina lamang, dalawa sa inyo ang magpagising sa akin sa katotohanan na ang aking kurso ay bukod tangi at hindi mapapantayan ng kahit ano pa sa ateneo. Liban pa doon, nakita ko rin na pagdating sa mga kursong may kinalaman sa negosyo, mas may ibubuga pa rin ang la salle (paumanhin sa mga taga-ateneo). Bagaman ito ang pamantasang matagal ko nang minamahal, ikinalulungkot ko na wala naman dito ng kursong malapit sa aking puso. Haay... Sadyang mapaglaro lamang talaga ang tadhana... hindi mo pupuwedeng sabay na angkinin at kainin ang minatamis, 'ika nga... pero gusto ko talaga... labo... pwede bang makiusap na magkaroon na sila ng Batsilyer ng Agham sa Accounting?

Kris: Hey girl! *big hug* I'm here for you, ok? I'm just a text away, if you need me.
Chami: Opportunity cost!!! Wow! Somebody speaks my lingo!!! Economics rocks! Get well soon, girl!
Saul: Sorry, if I was not able to accompany you. I was so spaced out that I didn't think I could bear 1 hour and 30 mins of lecture. Don't worry though, I'll definitely make it up to you.
Mikey: You made me think!!! (horrors of horrors!) Look what you did! I got so curious about calc that I'm actually studying it.... Garr! I'm going to make you pay!!! hehehe...
Mon & Niks: Haven't heard from you guys! How is it going? How's the wide blue yonder???
Andrew: Psst!

Anyways, we lasallians do not have classes on the 26, due to the last day of ramadan; if you ateneans do not have classes too, do you think we could go out or something? Oh and another thing... I'll be posting my debut pics in a web site, I'll let you guys know if I finish...

" Who would fare better in this world of fitful time? Those have seen the future and live only one life? Or those who have not seen the future and wait to live life? Or those who deny the future and live two lives?" - Einstein's dreams

Tuesday, November 11, 2003

= lasallians = update lang, nagreply na si friendster yanee, (hehe), tomorrow kung gusto niyo sumama, sa ls204, magkakaroon daw ng discussions sa purposed driven life, hindi kailangan na nabasa yung libro

= jamais = jamais!!! kamusta na?...huyst! wala lang, don't forget to retain your kabaduyan, baka mamaya, hindi mo na maintindihan yung mga hirit ko... =)

= rachelle = i'm still waiting for yanee to text me kung meron ccc bukas, kailangan ko ng reinforcement eh, philo teacher ko kasi, pero magaling siya ah, i respect her mission to corrupt the minds of the youth din...galingan mo grades mo this term saka next term para sure shot pasok sa ateneo

= maki zo = uyst, paano ko kukunin yung cds? pinagbilin mo ba? ano nga pala yung mga nagawa mo?

= ateneans = good luck sa first day ng second term niyo!

= lasallians = uyst, gusto niyo sumama sa akin sa ccc bukas ubreak kung merong prayer meeting?

Hello!!!!!!!! 

hey peeps! BOOHOO! may pasok na ang ateneo bukas!!!!!!!!!!! Good luck and God bless na lang sa mga ateneans. Keep your grades up and aim for that 3.9 average... mamimiss ko kayo!

Jontski: Psst! Kailan gig nyo??? May CCG na akong nahanap para sa iyo.... Anyway, you were right... dapat nag- Ateneo na lang talaga ako...
Mikey: Thanks for the advice. You were right all along. (naks!)
Chami: I'm making a website for the debut pics so you could view them with ease. Miss yah girl! Umuwi ka na nga dito sa pilipinas!!
Kris: I haven't seen you for a while, girl! Sorry if I wasn't able to reply last saturday because my battery conked out on me before I could... I wish I could have joined you though...

Ateneans: Psst! maari nyo bang itanong kung paano magtransfer papunta riyan? Seryoso ako.
Lasallians: Lacorp lunch???

Missing you all...

Sunday, November 09, 2003

sorry for my first failed attempt in planning a gimik...

Thursday, November 06, 2003

second sem magic? 

saul> tanginang listen up y'all yan. pinatugtog yan sa boracay napasayaw pa rin ako kasi may amats ako nun. haha anyways.

pass muna ako sa friday, medyo busy eh, hafta move my stuff into the condo. pero friday night town lang ako, myt watch revolutions.

pass rin ako saturday, may party ulit na kailangan puntahan eh hehe sorry.

saul> true true. pero whadapakk. ako lang yan hahaha. papayat ako second sem. d na kami sa wherelse? tumuloy eh, kundi sa absinth na. mahal pero tangina na-whapakk ako hahaha. at syempre taga-zobel na naman ang mga naging party people, champion c jo castro hahahaha.

astig! there was this guy last night who had a friendster :) t-shirt! gusto nun!!!

feel ko na yung second sem magic - lam nyo yun? everything seems to be going according to plan in the second sem, sana tuloy tuloy na to.

Wednesday, November 05, 2003

listen up ya'll ...mga balita sa bayan natin 

"lapit mga kaibigan at makinig kayo..."

sa biyernes nga pala, kung gusto niyong magelbow room sa podium aya masaya rin, tutugtog ang isa sa aking mga nilukot na basong gawa sa plastik, ang maganda at talentado (hehehe) na s kitchie nadal, ika-pito ng gabi ang simula niya

anong plano sa sabado? lahat ba tayo ay manonood ng acoustapella? kasi iniisip ko, labas tayo ng mga hapon o kahit tanghali tapos nood tayo ng matris: ang mga pagikot ng mundo sa araw, tapos siguro derecho na sa acoustapella o ano man

mon: salamat sa magandang testimonyal sa aking pagkanilalang

kris-y: hindi ka puwedeng maging isang ermitanyo! puwede pa na ikaw ay "living in saulitude" "laugh laugh laugh ala kris" =) ...saya ng pakiramdam ng ganon lang, ano?

mga atenista: mabuti at maganda ang labas ng inyong mga grado! ako ay nagagalak sa balitang iyon! =)

jonat: sana ay nasiyahan ka sa iyong pagpunta sa wherelse, huwag kalimutan na ang paginom ng may alcohol ay nakakadagdag sa katawan, maaring sa mga susunod na panahon ay sumobra ka pa sa akin at maging lima ka, paalala lamang

bau, joseph, at iba pa: inaasahan kong makakasama kayo sa ating paglabas na susunod, ito na ay ang huling dulo ng linggo ng mga atenista

maki zo, anak: pabor, pakigawa naman ang aking mga hinihiling na plakang maliliit sa lalong madaling panahon =)

mikey: pagusapan natin ang pagsali sa bukas na bidyo sa ateneo isang araw, kasi ang problema dito ay medyo mahaba ang proseso, kung gusto talaga natin, makakahanap naman siguro tayo ng oras, siguro at sana

rachelle: sana ay mabuti ang iyong mga relasyon.

arun: "nasaan ka na?...nasaan ka na?..." binabalik ko lang ang kanta mo, kamusta ang naging resulta ng pagsusulit na kasama ang iba pa na ukol sa bibliya?

jamais: kamusta ka na? matagal ka nang hindi sumusulat, iha =)

Monday, November 03, 2003

MATRIX NA!! 

woohoo ayos grades ng mga ateneans for the 1st sem! this calls for a celebration!

boys and girls, nood tayo premiere ng MATRIX: REVOLUTIONS sa wednesday night. 10 pm nationwide siya i think? I suggest that we watch it sa Festi para mas madali makakuha ng tickets. :D Text me if you're interested.

afterwards, let's do a little WHAPAKKING :D

no woman no cry.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?